Ginintuang Payo ng mga Magulang

Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga mumunti ngunit Ginintuang butil ng payo na nakuha ko sa aking mga magulang:

Si Inay, tinuruan niya ako HOW TO APPRECIATE A JOB WELL DONE — “Kung kayong dalawa ay magpapatayan, doon kayo sa labas! Mga leche kayo, kalilinis ko lang ng bahay.”

Natuto ako ng RELIGION kay Itay — “Kapag yang mantsa di natanggal sa carpet, magdasal ka na!”

Kay Inay ako natuto ng LOGIC — “Kaya ganyan, dahil sinabi ko.”

At kay Inay pa rin ako natuto ng MORE LOGIC — “Kapag ikaw ay nalaglag diyan sa bubong, ako lang magisa ang manonood ng sine.”

Si Inay din ang nagturo sa akin kung ano ang ibig sabihin ng IRONY — “Sige ngumalngal ka pa at bibigyan talaga kita ng iiyakan mo!”

Si Inay ang nagpaliwanag sa akin kung ano ang CONTORTIONISM — “Tingnan mo nga yang dumi sa likod ng leeg mo, tignan mo!!!”

Si Itay ang nagpaliwanag sa akin kung anong ibig sabihin ng STAMINA – “Wag kang tatayo diyan hangga’t di mo natatapos yang lahat ng pagkain mo!”

At si Inay ang nagturo sa amin kung ano ang WEATHER – “Lintek talaga kayo, ano ba itong kuwarto nyong magkapatid, parang dinaanan ng bagyo!”

Ganito ang paliwanag sa akin ni Inay tungkol sa CIRCLE OF LIFE — “Salbahe kang bata ka, iniluwal kita sa mundong ito, maari rin kitang alisin sa mundong ito.”

Kay Itay ako natuto kung ano ang BEHAVIOR MODIFICATION — “Tumigil ka nga diyan! Huwag kang mag-inarte na parang Nanay mo!”

Si Inay naman ang nagturo kung anong ibig sabihin ng GENETICS – “Nagmana ka ngang talaga sa ama mong walanghiya!”

Si Inay naman ang nagpaliwanag sa amin kung anong ibig sabihin ng ENVY – “Maraming mga batang ulila sa magulang, di ba kayo nagpapasalamat at mayroon kayong magulang na tulad namin?”

Si Itay naman ang nagturo sa akin ng ANTICIPATION – “Sige kang bata ka, hintayin mong makarating tayo sa bahay!”

At si Itay pa rin ang nagturo kay Kuya kung anong ibig sabihin ng RECEIVING – “Uupakan kita pagdating natin sa bahay!”

Si Inay naman ang nagturo sa akin kung ano ang HUMOR – “Kapag naputol yang mga paa mo ng pinaglalaruan mong lawnmower, wag na wag kang tatakbo sa akin at lulumpuhin kita!”

At ang pinakamahalaga sa lahat, natutunan ko kina Inay at Itay kung ano ang JUSTICE – “Isang araw magkakaroon ka rin ng anak, tiyak maging katulad mo at magiging pasaway at pasakit din sa ulo!”

(Author unknown)

    Related posts:
  1. Lucky in Love
  2. Mahal ang Magmahal
  3. PinoyDad on Mother’s Day
  4. Revenge of the Lolas
  5. Ang Puno’t Dulo ng Pag-ibig
This entry was posted in Fatherhood and tagged , , , , , , , , , . Bookmark the permalink.

7 Responses to Ginintuang Payo ng mga Magulang

  1. roxanne says:

    nakakatuwa naman yan,, naiiyak tuloy ako..

  2. Gerald says:

    hahaha…

    grabe napangiti ako…

    magaleng ang gumawa nito…

    is this a true-to-life story?

    hehehe

  3. lays says:

    very nicely written..I’m laughing because I can relate to it..Filipino Humor as we say it..hehehe

    Btw, is it okay to repost it? Ü

  4. pinoydad says:

    Roxanne, Gerald . . . nakakatawa talaga and I can’t help but post it here. Lays, you could always repost it. Enjoy!

  5. Pingback: PinoyDad.com » All Rice!

  6. Pingback: PinoyDad on Mother’s Day | PinoyDad.com

  7. Pingback: PinoyDad.com » Revenge of the Lolas

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>