Sabi nila, ang maswerte sa pag-ibig ay malas sa pera, at ang maswerte sa pera ay malas sa pag-ibig. Those who are lucky when it comes to love are not as lucky in money matters, and vice versa.
There’s absolutely no scientific basis for this, of course. Puro lang haka-haka, ngunit dahil maraming nakaka-relate, nagkakaroon ng ring of truth to it.
Siguro kung marami ka nang pera, masyado kang praning na ang “iibig” sa ‘yo ay interesado lang sa pera mo. O kaya naman e ‘pag marami nang pera, pera na lang ang iniisip. Backseat na ang pag-ibig, kumbaga.
At kung puro pag-ibig na lang ang iniisip, bahala na ang pera. Ok lang na saging, basta labing-labing, ‘ika nga. At problema lang sa motto na ito, ‘pag araw-araw na lang ay saging, siguradong papasok ang away.
Ganyan yata talaga ang buhay, hindi pwedeng puro pag-ibig na lang. Pero marami pa rin ang hindi naniniwala dito at marahil eto ang isa sa mga nagpatotoo na talagang love is blind.
Ewan ko, sabi ko nga, walang basehan ang haka-hakang eto. Ano sa tingin nyo? Tsaka isa pa, alin ang mas pipiliin nyo — lucky in love? O lucky sa pera? At para kumpleto na parang beauty contest, and why?
