Maglakad sa Kalye, Huwag sa Sidewalk

Posted on 24 March 2008 in On the Road

Siguro iniisip mo na mali ang pamagat ng post na ito. Siguro iniisip nyo na hindi ako marunong magbasa. Eto talaga ang nakapaskil sa tabi ng daan, sa pinakadulo ng Quirino Avenue, Novaliches, Quezon City — Maglakad sa Sidewalk Huwag sa Kalye. Papatupad Anti-Jaywalking. (Walk on the sidewalk, not on the street. Anti-jaywalking enforced.) Natuwa naman ako sa paskil. Mukhang seryoso sila na ipatupad ang batas-trapiko. Ngunit kahit pa may paskil na eto, tingnan nga natin kung ano talaga ang nangyayari:

No Jaywalking

Ayan, tingnan natin yung mga traffic enforces sa bandang kanan. Siguro sila’y nariyan para ipatupad ang batas-trapiko, pati na ang “no jaywalking” na napaskil sa kanilang harapan.

No Jaywalking: Traffic Police

Sa totoo lang, ako ang kinakabahan at baka makita ni Bayani Fernando ang larawan na ito, at bunutin yang nakatayong structure — yang may “SB” logo, hindi yung mga nakatayong mamang pulis.Siguro hindi nakarating ang MMDA sa lugar na eto, kse walang pink urinals akong nakikita. Siguro nga ayaw pumunta ni BF dito kse baka sasakit lang ang kanyang ulo sa gulo ng daan. Kung wala kang nakikitang gulo sa daan, eto ang mas malinaw na larawan:

Chaos on the Road in Novaliches, Quezon City

Leave a Reply

Categories

Recent Posts

RSS Pinoy-Business.com