Paalam, Pangulong Cory Aquino

Posted on 1 August 2009 in Politics and Society

Anak,

Maraming taon pa ang lilipas bago mo lubos na maintindihan ang mga sinasabi ko sa blog post na ito, o ang kalungkutan na bumabalot sa araw na ito. Alam ko’ng ang importante sa yugto ng buhay mo ngayon ay gatas. Milk, please, you’d say in your 3-year old voice. Kailangan ko lang isulat ito ngayon. Sariwa pa ang mga pangyayari. Mas madaling maisulat ang mga damdamin.

Sa araw na ito,  August 1, 2009, pumanaw ang dating Pangulo Corazon Aquino. Mas malapit siya sa puso ng bawat Pilipino bilang si Presidente Cory o si Tita Cory. Sabi ng kanyang anak, si Senador Noynoy Aquino, namapayapa si President Cory bandang 3:18 a.m. sa Makati Medical Center. May ilang buwan na rin siyang na-confine dahil sa cancer of the colon. Konteng hintay na lang sana, at aabutan nya ang death anniversary ng kanyang yumaong asawa, si Senator Benigno “Ninoy” Aquino, Jr., na pinaslang noong ika-21 ng Agosto 1983.

Pagdating mo sa elementarya, malalaman mo siguro na si Ninoy, maliban sa pagkakatatak niya sa limandaang piso na perang papel, ay lumaban sa Martial Law ni dating Pangulong Ferdinand Marcos. Maybe it would still be much later you’ll learn that so many more died and sacrificed for our country, before, together with and after Ninoy. Always remember them and what they fought, and died, for.

Pagdating mo sa elementary, siguro ituturo rin sa inyo na ang asawa ni Ninoy ay si Cory. Noong pinaslang si Ninoy, si Cory ang hinirang ng sambayanan na manguna sa laban para sa demokrasya. Isang maybahay lamang si Cory, ngunit hinarap nya ang hamon ng panahon.

Ituturo rin sa inyo na bumagsak ang diktadorya pagkatapos ng EDSA People Power. Naging pangulo si Cory. Natapos nya ang anim na taon ng pagka-presidente. Maraming pagsubok syang hinarap at nalampasan nya ang mga ito. Mas mahaba pa ang kwentuhan ukol dito, pero basahin mo na lang sa mga librong tiyak na isusulat tungkol kay Cory.

Sa araw na ito, sa unang araw ng Agosto, natapos na rin ang paghihirap ni Cory. Nagsimula na ang mga paggunita sa mga iniwang alaala at legacy ni Cory. Nagsimula nang bumaha ng dilaw na banderitas sa mga kalye, mga kotse at kung saan-saan. Nagsimula nang bumaha dahil sa malakas na buhos ng ulon. Lumuluha pati ang langit.

Simula na ring bumuhos ang luha ng ina mo, kasama na ang milyon-milyon nating kababayan.

Nakakagulat. Paggising ko, nabalita na sa TV na pumanaw na si Cory. Nanonood ang nanay mo. Umiiyak. Humihikbi. Pangalawang pagkakataon ko na siyang nakitang ganito, nakikiiyak kahit hindi naman niya kamag-anak o kaano-ano ang namatay. Ang unang pagkakataong nakikiiyak siya, ay noong namatay si Pope John Paul II  (sabi nila umiyak din daw sya nung namatay si Francis M, pero di ko nakita yun).

Nakakagulat. Dahil hindi ko rin napigilan na tumulo ang aking luha.

Hindi ko alam kung bakit.

Tingin ko hindi dahil sa awa kay Cory. Kahit pa naghirap siya at ang kanyang pamilya sa pakipaglaban para as demokrasya, magaan niya itong tinanggap. Ito raw assignment ng Diyos sa kanya. Ito ang pinananindigan niya hanggang sa huling hininga. Matatag si Cory. Bakit ko naman siya kakaawaan?

Siguro pumapatak ang luha ko dahil sa galit. Kung bakit sobrang unfair naman ang Diyos at kinukuha niya ang mga totoong naglilingkod sa ating bayan. Maraming pwede Niyang kunin, bago pa man si Cory.

Sabi ng isang kaibigan, hindi naman daw unfair. Cory is gone because we don’t deserve her. No matter how corrupt or how unjust things get, the Filipino nation kept silent. We deserve our leaders.

Hindi siguro unfair dahil sa pagkawala ni Cory, ipanaalala sa atin kung paano siya nabuhay at kung ano ang kanyang pinaglaban. Sana huwag nating kalimutan.

One Response to “Paalam, Pangulong Cory Aquino”

  1. i give my Condolence to the Aquino family for the death of the former president Corazon Aquino. she is one of the worlds notable icon in the struggle for Democracy and Freedom.

Leave a Reply

Categories

Recent Posts

RSS Pinoy-Business.com