Dalawang araw na lang Pasko na. Tapos na ang Christmas shopping. May mga iluluto na para sa noche buena. Handa na ang mga regalong ibibigay. ‘Yung nga lang, walang kasintahan o asawa na bibigyan.
Christmas, apart from its religious significance to many, is that time of the year when the call of home beacons with utmost intensity. Just like the guiding star that guided the 3 Kings, the light of the yuletide season pulls families and friends together. People working in the cities go back to the provinces. Many Overseas Filipino Workers (OFW) or Filipino expats abroad go home to spend time with the family back here in the Philippines.
Christmas is a time of togetherness, which is why, in my opinion, Christmas season is far worse for lonely, single folks than Valentines Day. Sure, Valentines is all about love. But don’t we sing, with much more fervor, about giving love on Christmas Day? Besides, there’s no Valentines song that comes close to the lines of this sad song — “Pasko na sinta ko, hanap-hanap kita. Bakit nagtatampo, nilisan ako. Kung mawawala ka, sa piling ko sinta, paano ang Pasko, inulila mo. Sayang sinta, ang sinumpaan at pagtitinginang tunay. . .”
Is there? Wala.
Noong binata pa ako ayoko ng Christmas break sa school. Kahit na dapat masaya dahil walang pasukan at Pasko, malungkot dahil uuwi siya sa lugar nila at uuwi ako sa lugar namin. Bad trip.
Noong unang mga taon pagkatapos mag-asawa, medyo malungkot pa rin. Dati kasama mo ang pamilya mo sa buong Pasko. Ngayon every other year na lang — spend Christmas this year with your family, the next Christmas with the family of your spouse. Ok na rin.
Noong may anak na medyo masaya na. Ngunit nakakalungkot isipin na ikaw na ang hinihingan ng gifts. Dati kase ikaw ang humihingi. Ok na rin.
Let’s go back to those playing solo on Christmas. The weather during Christmas is naturally cold. Buti na lang walang snow dito sa ‘Pinas (marami namang bagyo na humahabol ng quota sa dulo ng taon). Malamig na nga ang puso. Wala na ngang kaakap. Malamig pa ang panahon. Ang saklap.
Pero ok lang. Ganyan talaga ang buhay, weather-weather lang. Sometimes you’re up, sometimes you’re down. Minsan mainit, minsan naman malamig. Lilipas din ang Pasko. Pero wala ka pa ring syota, man.
But don’t hate Christmas for that. Hindi kasalanan ng Pasko na walang kang boyfriend, girlfriend o asawa. Malamang kasalanan mo ‘yun.
Merry Christmas!
